Magkakaroon ba ng penalty kahit isang araw lang ang lumipas matapos ang due date?
Opo, automatic po ang ating penalty after due date. Naka-program na po ito sa aming billing system.
Mayroon po bang ibang paraan ng pagbabayad bukod sa pagpunta sa inyong opisina?
Wala po. Sa Pililla Water District office lang po kayo pwede magbayad. Wala pong authorized collecting agent sa labas ng aming opisina.
Bakit po nag-puputol ng walang tao at walang abiso?
Lahat po ng may isang buwan na konsumo ay pinadadalhan ng notice of disconnection after due date upang magkaroon po kayo ng palugit sa pagbabayad. Kapag umabot na po ito ng 2 buwan na hindi nababayaran, automatic na pong pinuputulan. Nakapaloob po ang paalala na ito sa likod ng inyong water bill.
Bakit po biglang tumaas ang aking bill?
Marami pong posibleng dahilan ng pagtaas ng inyong bill. Mangyari lamang po na makipag-ugnayan sa aming opisina upang maaksyunan ang inyong hinaing.
Sa reconnection at voluntary disconnection ay dapat po ba na may dalang ID?
Opo, magdadala po ng ID ang sino mang magpapa”activate” ng kanilang naputol na tubig. Kung hindi naman po sa kanila nakapangalan ang resibo, magdadala din po ng “authorization letter” ng may ari ng water bill.